Page 22 - MATANG MAPAGMASID
P. 22

“Hindi  ba  nakikita  ng  mga  batang  iyon  ang  malalaking
            basurahan?  O  sadyang  hindi  talaga  sila  marunong  magtapon  ng

            kanilang  mga  basura,”  ang  malungkot  na  sambit  ni  Adi  Agila  sa
            kanyang mga kasapi.


                   “Tayo  na  unahan  natin  silang  pulutin  ang  mga  basurang
            nakakalat. Itapon natin ito sa angkop na basurahan. Kapag napunta
            ito sa dalampasigan tiyak malalason ang tubig dagat pati na ang mga

            nilalang  na  nakatira  sa  karagatan.  Magsisilbi  tayong  modelo  ng
            tamang pagtatapon ng basura,” wika naman ni Ayo Agila.


                   Inumpisahan na nga nina Adi Agila, Ayo Agila at mga kasapi ang
            pagpulot ng mga basurang nakakalat. Gamit ang kanilang malalaking
            mga tuka isa-isa nilang pinulot ang mga basura. Namangha ang mga

            bata  sa  ginawa  ng  malalaking  mga  agila.  Naging  maliksi  sila  sa
            pagpulot ng mga basura. Ang mga  bata  ay  hindi  natakot  sa  mga  ito
            bagkus ginaya nila ang mga ginawa ng mga agilang kahanga-hanga.
            Pulot  dito,  pulot  doon  kahit  saang  sulok  na  mga  basura  ay  pinulot

            nila at itinapon sa angkop na basurahan.


                   “Wow! Kayganda ng dagat sobrang linis at maaliwalas. Hinding-
            hindi  na  ako  magkakalat  ng  aking  basura  itatapon  ko  na  ito  nang
            tama,” ang namutawing salita sa bibig ng isang bata.
   17   18   19   20   21   22   23   24   25   26   27