Page 10 - MATANG MAPAGMASID
P. 10
“Noong isang araw may nakita kaming mga kalalakihang
nagtotroso, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakalbo ang
kagubatan at kung hindi kaagad maaksyonan tiyak mawawalan tayo
ng tirahan,” ang nag-aalalang pagbabalita ng isa sa kanilang kasapi.
“Dapat maaga nating mapigilan ang pagtotroso sa kagubatan
kapag hindi ito mapigilan tiyak kahaharapin natin ang masasamang
bunga na ganti ng kalikasan,” ang malungkot na wika ni Adi Agila.
Nag-usap ang magpinsan at iba pa nilang kasaping agila kung
ano ang mga dapat gawin. Hindi sila papayag na may sisira sa
kagubatang bahagi ng kinagisnang tahanan. Sa araw ding iyon ay
tumungo sila sa nasabing gubat.