Page 6 - MATANG MAPAGMASID
P. 6

usmos pa lamang pangarap na ni Adi Agila na masagip ang


            papaubos         ng      lahi,     maprotektahan,            at    panumbalikin            ang
            kasaganahan sa kanyang kinalakihang tirahan. Ngayon, labing isang
            taong  gulang  na  si  Adi  Agila,  ang  kaisa-isang  mabait  na  babaeng
            anak nina tatay Ado Agila at nanay Ada Agila. Ang pangkat nila ay
            kilala  sa  pagiging  teritoryal,  pinakamalaki,  malakas,  matapang,

            mapagmasid,  at  may  matalas  na  paningin.  Pangangaso  sa
            kabundukan            at     pangingisda         sa      karagatan         ang      kanilang
            ikinabubuhay kaya gayun na lamang ang pagnanais ni Adi Agila na

            maprotektahan ang kanyang kinamulatang tirahan.


                    “Sa abot ng aking makakaya mahal kong mga kalahi ay aking
             ililigtas, lupang kinalakihan ay isasalba ko gamit ang aking talino at
             lakas,” ang pagmamalaki ng matapang na agila.


                    Dati kapag naririnig ito ng kanyang tatay Ado Agila at nanay
             Ada Agila ay natatawa lamang sila, ngayong malaki na si Adi Agila
             sambit-sambit pa rin niya ito nang buong tapang at kumpiyansa, sa

             pagkakataong  ito  alam  nilang  tutuparin  ito  ng  kanilang
             pinakamamahal na anak sa mabuti at kakaibang paraan.
   1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11