Page 8 - MATANG MAPAGMASID
P. 8

“Ang  kaisa-isang  pinsan  kong  lalaking  agila  rin  ay  kasing
              edad  ko.  Mapagmahal,  maliksi,  matatag,  matulungin  at  bukod
              tanging pinsan na mayroon ako. Siya si Ayo Agila na sa akin tunay
              na  biyaya,”  saad  ni  Adi  Agila  nang  may  pagmamalaki  sa  pinsan

              niya.


                     Higit  pa  sa  magkapatid  ang  turingan  nila.  Sila  ay  hindi
              mapaghiwalay  sa  lahat  ng  lakad  at  lipad  sila’y  magkasama  tuwi-
              tuwina,  para  silang  pinuno  ng  kanilang  pangkat  may  malaki  at
              tunay na malasakit sa bawat kasapi.


                     “Mahal  na  mahal  ko  si  Adi  Agila!  Buong  puso  kong

              pagsisilbihan  sa  abot  ng  aking  makakaya,  ako  ay  humahanga  sa
              kanyang  katapangan,  pangako  palagi  ko  siya’ng  tutulungan,”  ang
              seryosong panata ni Ayo Agila.


                     “Ikaw  ang  pinakapaborito  kong  nilalang  Adi  Agila,  sa  iyo
              walang  palya  ang  aking  suporta,  sabay  nating  tuparin  ang  ating

              minimithi  na  protektahan  ang  kinalakihang  tirahan  natin,”  ang
              wika ni Ayo Agila.


                     Ngayong  sila’y  malalaki  na  at  taglay  ang  pambihirang  lakas
              ipinagkakatiwala na ng kanilang mga magulang na sila’y makagawa
              ng sariling tatak ng kabutihan.
   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13