Page 12 - MATANG MAPAGMASID
P. 12

“Ayon!  Ayon  ang  mga  nagtotroso  gawin  na  natin  ang  ating

            plano.  Pagtotroso  ay  ating  pigilan  upang  tirahan  natin
            maprotektahan!” ang matapang na wika ni Adi Agila.


                   Sabay-sabay  nilang  binuhos  lahat  ng  kanilang  lakas  upang
            makagawa ng matinding ingay at buong puwersang winasiwas ang
            makapangyarihang  mga  pakpak  na  siyang  nagpagalaw  sa  mga
            puno. Ang tunog na namutawi sa mga agila ay nagpahiwatig ng galit

            kaya natakot ang mga kalalakihang nagtotroso.


                   “Multo!  Multo!  Naglipana  sa  kagubatang  ito  ang  mga  multo!”
            ang takot na takot na sigaw ng isa sa mga magtotroso.


                   Mabilis na umalis sa kagubatan ang mga magtotroso dahil sa
            akalang sa gubat na iyon naglipana ang mga multo.


                   “Salamat sa Diyos at tayo ay nagtagumpay, napaalis natin sila

            at  napigilan  sa  paggawa  ng  hindi  kaaya-aya!  Umuwi  na  tayo  at
            magpahinga  bukas  ibang  bahagi  na  naman  ng  kagubatang  ating
            nasasakupan ang ating pupuntahan” saad ni Ayo Agila.
   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17