Page 25 - The Josenian Premier Volume 5 Issue 1
P. 25
hatinggabi na at malalim na naman ang aking iniiSip. Sinabayan ng nagyeyelong hangin ang aking mga buntong-hininga. Sa
paglalim ng gabi, ay Siyang pag-igting ng aking mga pag-aalala. bumagal ang oraS, ngunit bumiliS ang tibok ng aking puSo.
kaya pumikit ako, at aking Sinariwa ang naganap kahapon.
Sinubukan kong gumiSing. napakaaliwalaS ng umaga, rinig ko pa ang huni ng mga ibong nag kuwentuhan Sa Sangay ng narra
Sa aming bakuran. langhap ko ang amoy ng Sinaing at tapa na tiyak ay ihahain Sa aming agahan maya-maya lamang. naiSipan
kong bukSan ang aming telebiSyon upang makinig ng bagong balita. bumungad agad Sa’kin ang mga nakapanlulumong balita.
kahit Saang eStaSyon ko man ibaling ang aking panSin,puro kaSakiman ang kanilang tampulan. lahat ng ito’y patungkol Sa
mga mga kapabayaan, pananamantala at panloloko ng mga taong nakaupo Sa mga matatayog na upuan ng mga ahenSya at
kongreSo. nakapanyayamot lang, Sapagkat iba ang umiinda Sa kanilang mga kabalbalan; ang mga taong bayan.
napabuntong-hininga na lamang ako matapoS kong piSilin ang remote ng paulit-ulit. SumaSakit na ang aking mga tenga Sa
mga balitang aking naririnig. paulit-ulit na lamang. kumikirot na rin ang aking mga mata gayon na tatlong dangkal lamang
ang layo ko Sa aming telebiSyon. kakagiSing ko pa lamang at pangyayamot na agad ang bumungad Sa akin. binukSan ko muli
ang aking mga mata, ngunit tila’y hindi ko pa naaaninag ang Sagot kung bakit ako nababaliSa. kaya pumikit ako ulit.
tanghali na at langhap ko na ang ma-aSim-aSim na tinola ni lola eladia. Sa paglabaS ko Sa kuSina, tumama ang Sinag ng
araw Sa pintuang de grillS na naka-awang Sa aking harapan, Sa aking pagSilip, nakita ko Si lolo franCiSCo na nagkukumpuni ng radyo,
guSto ko Sanang tumulong ngunit, bigla itong tumunog. kriing! kriing! nabuhay ang aking diwa! biglang tumunog ang rotary dial Sa
aking Silid at napatigil ako Sa paggunita ng aking mga alaala. tiningnan ko ang relo at haloS Sampung minuto pa lamang ang lumilipaS.
SaSagutin ko na Sana ang tawag ngunit nagtaka ako kung ba’t may tumatawag Sa akin ng diS-oraS ng gabi.
Sa aking pagSagot, may iSang babaeng tumugon Sa kabilang linya. “Si amaya Cruz ba to?”
kinabahan ako bigla. bakit niya ako kilala? “oh, i See. ikaw nga talaga to. kumuSta ka na?”
nagSitayuan bigla, ang lahat ng balahibo ko Sa katawan. hindi ko pa nakikilala ang boSeS na ito, kahit na kailan. iSang boSeS na may
katamtamang lalim para Sa iSang babae, bawat tinig na kaniyang SinaSambit ay napakamalumanay, Sapat upang ikaw ay matakot. kaya hindi
ako nakapagSalita. nagpatuloy lamang Siya, at kahit guSto ko mang ibaba, tila’y namangha pa ako Sa kaniyang mga na wika.
bigla niyang ibinahagi kung gaano kainam ang kaniyang buhay. na Siya raw ay iSang manananggol na may malayang pag-iiSip. na ang
lipunang kaniyang kinabibilangan ay malayang nakahahayag ng kanilang damdamin. may pamahalaan din Silang handang makinig at taoS-
puSong maglingkod.
lahat ng kaniyang tinuran, ay magkaSalungat Sa lipunang aking ginagalawan. kaya naiSipan kong ibahagi na rin ang aking nararamdaman.
iSiniwalat ko kung gaano ako ka naiS baguhin ang aming bayan. kung paano may gumagalang mga mandaragit Sa matataaS na mga upuan,
kung paano hindi pinapahalagahan ang opinyon ng mga kabataan, kung paano nabulag ang katarungan, at kung paano binubuSalan ang
Sinumang kumakanta ng katotohanan.
biglang napabuntong-hininga ang babae Sa kabilang linya, ang Sumunod na mga naganap, ay Siya namang aking ikinagulat.
“guSto mo palit tayo?” tanong niya. “Sige ba”, biro ko.
biglang umikot ang rotary dial nang mag-iSa at naputol ang aming tawag. naiSipan kong baka ay laSing lamang Siya at guSto lang talaga
niya ng kauSap. hindi ko tuloy namalayan na umaga na pala, kaya lumabaS ako Sa kuwarto at nagulat Sa aking nakita, “good morning
attorney, may mga kliyente ka na po Sa labaS.” napanganga ako Sa aking narinig.
tumunog ulit ang rotary dial at madalian ko itong Sinagot. narinig ko ulit ang boSeS ng babae Sa kabilang linya. “huwag ka nang mag-
alala, mainam ang kinabukaSan ng iSang kabataang may pagmamahal Sa bayan” ani niya. “ang Sarap pa rin talaga ng tinola ni lola eladia”
dagdag niya.
napatahimik ako. hindi ko namalayang umiikot na naman ang rotary dial. nanigaS ako Sa aking kinatatayuan. “huy apo, ba’t di ka pa
naghuhugaS ng plato?”
nabuhay muli ang aking diwa at bigla akong napaSagot, “handa na po ako.”
First Semester S.Y. 2020-2021 | The Josenian Premier 23