Page 6 - COMPLETION-RITES_Neat123
P. 6
Oscar G. Malapitan
Caloocan CIty Mayor
Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, buong galak at pagmamalaki kong
binabati ang mga magsisipagtapos ngayong Academic Year 2020-2021.
Sa mga magsipagtapos ka-isa ninyo ako sa pagbubunyi ng inyong tagumpay at sa wakas
ay natunton ninyo ang mas mataas na antas ng edukasyon. Ito ay bunga ng inyong
pagsusumikap sa kabila nang hamon dulot ng ating kinakaharap na pandemya. Ito rin
ay nagantimpalaan na at ngayo’y mas npalapit na kayo sa inyong mga pangarap at
hangarin.
Sa mga guro, opisyal at iba pang bahagi ng ating mga paaralan, Ang inyong serbisyo ay
lubos naming pinasasalamatan at pinapahalagahan. Batid ko ang inyong pagsisikap
nang sa gayon ay maipagpatuloy ang edukasyon sa ating bansa. Taos-pusongnaming
tinatanaw na utang na loob sa inyo ang inyong mga sakripisyo na ngayo’y tinatamasa
na ng ating mga magsisipagtapos.
Sa mga magulang, nagsisilbing magulang at gabay ng ating mga magsisipagtapos,
maraming Salamat sa inyong pagtataguyod sa mga kinabukasan ng ating bayan. Ang
hamon ng pandemya ay hindi ninyo inalintana. Ang pagtatapos ng inyong mga anak ay
inyo ring tagumpay para sa walang sawa ninyong suporta at pagmamahal sa kanila.
Bilang hamon sa ating magsisipagtapos, hinihikayat ko kayo na mapabilang sa mga
makabuluhang Gawain sa pamamagitan man nang paghahanap-buhay o patuloy na
pag-aaral, maging malaking bahagi ang inyong kontribusyon sa paghubog ng
kinabukasan. Humayo kayo at maging mabuting bahagi ng lipunan!
Makakaasa kayo na kaagapay ninyo ako ang Ama ng Caloocan, sa pagsasakatuparan ng
inyong mga pangarap. Magkasama, haharapin natin ang pandemya at
mapagtatagumpayan natin ito para sa inyong mga adhikain.
Muli, isang maligaya at masigabong pagtatapos!