Page 7 - COMPLETION-RITES_Neat123
P. 7
Dr. Nerissa L. Losaria, CESO IV
Schools Division Superintendent
Isang masayang pagbati sa nagsipagtapos para Panuruang Taon 2020-2021 mula sa lahat ng
paaralang pang elementarya sa SDO-Caloocan !
Ang araw na ito ay para sa pagpupunyagi at pag-ani ng bunga ng pagsisikhay. Kung
gugunitain, hindi naging madali ang lahat ng inyong pinagdaanan sa pagsuong sa hamon ng
bagong paraan sa pagkatuto. Subalit ang lahat ay posible kung may pananalig sa puso. Ang
inyong tagumpay ay mas higit na kinikilala ngayon dahil nagawa ninyong malagpasan ang
mga hamon ng krisis tulad ng kaligiran ng pagkatuto at sa paraan ng paghahatid ng
kaalaman na mahusay ninyong tinapatan ng pagsusumikap, tiwala sa sariling kakayahan, at
dedikasyon sa pag aaral. Tunay na ito ay kapuri-puri!
Malaking pasasalamat sa mga magulang at pamilya na naging pangalawa ninyong guro at
naging kaagapay namin sa panahon ng pandemya. Tunay na naging katuwang namin ang
mga tahanan sa paghatid ng kaalaman, sa kasanayan at paghubog ng tamang asal ng mga
mag-aaral. Mataas na pagpupugay din sa mga bayaning guro na nanatiling matatag at buo
ang loob sa pagbibigay ng serbisyo at pagpapakita ng dedikasyon at pagmamahal sa
propesyon.
Tema sa taong ito, "Kalidad ng Edukasyon Lalong Patatagin sa Gitna ng Pandemya", ay isang
pahiwatig na ang edukasyon ay buhay. Patuloy ito sa paglago at maihahatid sa kahit anong
paraan. Ang katatagan at kakayahang maiangkop ang sarili sa anumang sitwasyon ay ang
pangunahing kailangan sa pagsasakatuparan ng kalidad ng edukasyon. Bilang pag-asa ng
bayan sa darating na panahon, inaasahan naming mapagtagumpayan ninyo ang lahat ng
balakid at hamon ng kapalaran. Panghawakan at isabuhay ang magagandang kaugaliang
hinubog mula pa noong unang araw ng inyong pagtapak sa paaralan. Ang lahat ng ito ay
magsisilbing gabay at salik sa pagsulong ng edukalidad tungo sa globalisasyon at
makabagong anyo ng pagbabago.
Ang pagtatapos ay pagsisimula ng panibagong mundong inyong tatahakin. Magpakatatag at
palakasin ang inyong pagmamahal, pag-asa at pagtitiwala sa inyong mga puso.
Panatilihing nag -aalab ang ningas ng karunung-an at maging gabay ninyo ang minimithing
tagum-pay sa anumang larangan.
Binabati ko kayo!