Page 15 - Alamat ng Pag-ahon sa Pandemya
P. 15
FACE SHIELD NI
MARIA MAKILING
Disenyo ni Seth Astorga.
Ang diwatang palaging nakabantay sa kabundukan ng
Makiling, ngunit kahit kailan man ay di na muling
makikita. Ang misteryosang diyosa na
pinaniniwalaang noo'y may awa at angking kabaitan,
ngunit sa kalupitan ng mga tao ay unti-unting
nagkaroon ng poot sa puso, ang Diwatang Maria
Makiling. Isang tunay na diyosa na siyang naging
musa ng ating artista para sa kanyang obrang Face
shiel. Tunghayan nating ang mga kulay, hayop at
halaman na kanyang napili, base sa ganda ni Maria
Makiling.
Ang ganda ng kabundukan ng Makiling, na tahanan
ni Maria, ang siyang naging inspirasyon ng ating
taga-disenyo para sa mga elemento ng halaman sa
kanyang gawa, isa na rito ang isang uri ng Rafflesia
na una ng kanyang anyo na natagpuan sa Pilipinas.
Samantala ang nakamamanghang Bleeding Heart
Pigeon naman ang hayop na inspirasyon ng artista,
pagkat isa sa mga tirahan nito ay ang bunok
Makiling.
11