Page 19 - Alamat ng Pag-ahon sa Pandemya
P. 19
FACE SHIELD NI
MARIA CACAO
Disenyo ni Miriam Bonoan.
Ang Diwata ng kabundukan ng Lantoy, ngunit
pinaniniwalaang nagmula sa lahing Indonesian,
nanatili sa Pilipinas dahil sa yaman ng
kabundukan ng Cebu sa Cacao. Si Maria Cacao,
hindi tulad ng kanyang daawang kapatid na
diwata, ay nagmula sa kayamanan kaysa sa
kabaitan. Bagaman di na siya muling nakikita o
nagpaparamdam, anf kagandahan ng Diyosa na ito
ay patuloy paring mamumuhay kaya't ito ang
napiling musa ng ating artista. Ano kaya ang mga
yaman na naging inspirasyon niya sa kanyang
obra?
Ang halaman na napili ng ating taga-disenyo, para
kay Maria Cacao, ay ang halaman na matatagpuan
sa kanyang pangalan rin mismo. Ang halaman ng
Kakaw na dinayo ng Diwata sa Pilipinas, at
naging sanhi ng kanyang pananatili rito.
15