Page 17 - Alamat ng Pag-ahon sa Pandemya
P. 17
FACE SHIELD NI
MARIA SINUKUAN
Disenyo ni Angelo Alegado.
Diwata ng kabundukan ng Arayat sa Pampanga,
na tagabantay at tagapangalaga nito. Diyosa na
tunay raw na mabait noong unang panahon na
siya'y nagpaparamdam pa. Ano nga ba ang
pagbabago na naging sanhi ng paglaho niya? Sabi
nila'y dahil raw sa pagmamalabis ng iba sa yaman
ng kanyang bundok, ang iba naman ay dahil sa
pagnanakaw sa kanya, maging ano pa man ang
dahilan, bagaman di na muling nakita ang dilag,
ang ganda ng kanyang pagkatao at kuwento ang
naging basehan ng ating artista para sa kanyang
disenyo.
Ang mga hayop na ginamit ng ating taga-disenyo
ay ang "Philippine Deer" at isang kalapating puti,
parehas na pinaniniwalaan ng mga katutubo na
ibang anyo daw ni Maria Sinukuang ginagamit
niya upang mabantayan ang kanyang kabundukan.
13