Page 5 - KATHANG-SINING a4
P. 5

Lalabing-apatin                                                                           Lalabing-apatin

                                   Pangakong hindi mapapako                                                                            Magdalena


                             Lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan                                                   Sa mundong mapanghusga, ikaw ay naiiba
                            Marahil ngayo'y may'ron kang pinagdaraanan                                                Nangdidiri ang mga tao sa taglay mong ganda
                                  Subalit hindi ka nag-iisa kaibigan                                                          Minamaliit at ika’y inaalipusta
                          Kasama mo ang Diyos , huwag mong kalilimutan.                                                  Nang mga taong hindi ka tunay na kilala.


                            Alam mo ba kung bakit ka nandito sa mundo?                                                   Lahat sila’y nagtatanong at nangagtataka
                              Hindi aksidente bagkus ito’y tadhana mo,                                                  Bakit sa gabi’y gising ka, hindi sa umaga?
                            Napaka ganda ng plano ng Diyos sa buhay mo                                                    Hindi makasagot, hindi makapagsalita,
                              Maniwala ka lang, yan ay magkakatotoo.                                                      Dahil natatakot ka na husgahan ka nila.

                               Huwag mong isipin na ikaw ay nag-iisa                                                    Sa entabladong madilim at walang makita
                           Huwag mong hayaang sakupin ka ng problema,                                                    May isang binata na sayo’y nagpakilala
                              Magtiwala ka lamang at manampalataya                                                     Mayamang estranghero galing pa sa Manila
                              Bagay na imposible ay posible sa kanya.                                                 Bernardo ang pangalan, kaibigan mo raw siya.


                              Ikaw ang magiging daan sa kinabukasan                                                     Natapos ang gabi, nagising ka sa tabi niya
                             Ang mga plano mo ay kan'yang bibiyayaan                                                     Nag-iwan ng sulat sa mesa at umalis na
                               Laging babantayan at hindi pababayaan,                                                      “Masaya ako sa gabing kasama kita,
                            Ang pangako ng Diyos, hindi matutumbasan.                                                 Maraming salamat. Nagmamahal, Magdalena”.













                                               3                                                                                                4
   1   2   3   4   5   6   7   8   9   10