Page 8 - KATHANG-SINING a4
P. 8

Lalabing-animin                     Lalabing waluhin


 Kathang-isip                              Nobela

 Isang tagpong ayaw kong balikan sa’ting nakaraan  Simula nang mahalin kita nakabuo ako ng tula
 Kung paano nagsimula, kung paano mo iniwan  Wala mang sukat at tugma pero pinilit kong ikonekta
 Sumisid ako ng metapora para lang tumbasan  Naghanap ako ng mga kataga para ilarawan ka
 Ang iyong pagmamahal na sa iba ko nasaksihan.  Mga katangian kung bakit ako’y lubos na humahanga.


 Para bang ako ay binagsakan ng langit at lupa  Simula nang mahalin kita, hindi maitago ang saya
 Hindi maipaliwanag ang emosyong nadarama  Nakuntento ako sa kung ano ang may’ron sa’ting dalawa,
 Tila nalunod ang mga mata sa lalim ng luha  Pero bigla na lang nag-iba ang ihip ng ating istorya
 Habang ginugunita ang masasayang alaala.  Nilamukos mo ang papel simula nung piliin mo siya.

 Walang araw na hindi ka sumasagi sa isipan  Simula nung iniwan mo ako, naging buod ang nobela
 Mahal pa rin kita kahit na ako’y iyong sinaktan  Umikli ang talutod, tila naubusan ako ng tinta
 Bumalik ka na mahal dahil lubos kitang kailangan  Nag-iba ang indayog ng letra ng aking mga salita
 Nagdadalamhati ang pusong nabiyak at nasugatan  Hindi na pulido, hindi na kumurba, hindi na masaya.

 Sana kahit sa panaginip makasama kita  Simula nung iniwan mo ako, tila naputol ang pluma
 Nananabik na hagkan ka, ayaw ko nang magising  Naglaho na parang bula ang alaala nating dalawa
 Ang kathang-isip na ito sa’kin pinaalala  Tuluyan mo nang pinunit at sinunog ang mga pahina
 Na patuloy na ako’y umaasa lamang sa wala.  Isa ka lamang palang dagli, ang akala ko’y nobela na.













 5                                             6
   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13