Page 7 - KATHANG-SINING a4
P. 7
Lalabing-animin Lalabing waluhin
Kathang-isip Nobela
Isang tagpong ayaw kong balikan sa’ting nakaraan Simula nang mahalin kita nakabuo ako ng tula
Kung paano nagsimula, kung paano mo iniwan Wala mang sukat at tugma pero pinilit kong ikonekta
Sumisid ako ng metapora para lang tumbasan Naghanap ako ng mga kataga para ilarawan ka
Ang iyong pagmamahal na sa iba ko nasaksihan. Mga katangian kung bakit ako’y lubos na humahanga.
Para bang ako ay binagsakan ng langit at lupa Simula nang mahalin kita, hindi maitago ang saya
Hindi maipaliwanag ang emosyong nadarama Nakuntento ako sa kung ano ang may’ron sa’ting dalawa,
Tila nalunod ang mga mata sa lalim ng luha Pero bigla na lang nag-iba ang ihip ng ating istorya
Habang ginugunita ang masasayang alaala. Nilamukos mo ang papel simula nung piliin mo siya.
Walang araw na hindi ka sumasagi sa isipan Simula nung iniwan mo ako, naging buod ang nobela
Mahal pa rin kita kahit na ako’y iyong sinaktan Umikli ang talutod, tila naubusan ako ng tinta
Bumalik ka na mahal dahil lubos kitang kailangan Nag-iba ang indayog ng letra ng aking mga salita
Nagdadalamhati ang pusong nabiyak at nasugatan Hindi na pulido, hindi na kumurba, hindi na masaya.
Sana kahit sa panaginip makasama kita Simula nung iniwan mo ako, tila naputol ang pluma
Nananabik na hagkan ka, ayaw ko nang magising Naglaho na parang bula ang alaala nating dalawa
Ang kathang-isip na ito sa’kin pinaalala Tuluyan mo nang pinunit at sinunog ang mga pahina
Na patuloy na ako’y umaasa lamang sa wala. Isa ka lamang palang dagli, ang akala ko’y nobela na.
5 6