Page 58 - MGA-NATATANGING-LIKA-SA-PAGSULAT-NG-TULA-AT-ALAMAT A4
P. 58

ALAMAT NG TALA

                                         HESUS


                                                                                                        Kumikislap, kumikinang at laging nagniningning ang mga suot na
                                    Pinahihina ka man                                                   alahas ni Cristala. Kung makikita ang kanyang kabuua'y hindi
                                    May Hesus naman                                                     alintanang siya'y anak-mayaman dahil na rin sa kanyang mga magagara
                                   Na laging nandiyan.
                                                                                                        at mamahaling suot at kagamitan.

                                                                                                        Si Cristala ay anak ng pinakamayamang mag-asawa sa kanilang lugar.
                                                                                                        Siya'y lumaking maluho sapagka't lahat ng ninanais niyang makuha ay
                                       PAGLAHO
                                                                                                        kaniyang naaangkin at napapasakamay ng agad-agad. Walang oras na
                                      Sarap maglaho                                                     hindi niya laging suot ang kanyang mga alahas at ni minsan din ay hindi
                                     Sa mundong ito                                                     pa niya ito hinubad.
                                Oh Diyos, kunin mo na'ko.
                                                                                                        Tuwing gabi, paborito ni Cristala na lumabas tuwing gabi sapagka't mas
                                                                                                        nagiging kapansin-pansin ang kanyang mga alahas kaya nagiging
                                                                                                        tampulan siya ng maraming dalagang naiingit sa kanya at siya lang ang
                                                                                                        natatanging tao na may alahas sa kanilang lugar.

                                                                                                        Isang araw, naisipan ni Cristala na gumala at bumili ng kung ano-ano sa
                                                                                                        kung saan man siya mapadpad hanggang siya'y napunta sa isang bilihan
                                                                                                        ng mga alahas. Kung pagmamasdan ang lugar na ito'y wari'y parang
                                                                                                        walang bumibili at kataka-taka. Sa kanyang pag iikot-ikot dito'y siya'y
                                                                                                        nabighani sa isang kuwintas. Kuwintas na umano'y walang kapantay
                                                                                                        ang kagandahan sapagka't sa taglay nitong wagas na ningning kaya't
                                                                                                        kanya itong agad na tinanong sa nagmamay-ari ng bilihan na isang
                                                                                                        matandang babae ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito ipinagbibili
                                                                                                        sapagka't kaisa-isa lamang ito sa buong daigdig. Dahil nga maluho si
                                                                                                        Cristala ay pinilit niyang bilhin ang kuwintas na ito ngunit kahit anong
                                                                                                        gawin niya'y hindi siya nagtagumpay at umalis nalang.

                                                    53                                                                                    54
   53   54   55   56   57   58   59   60   61   62   63