Page 60 - MGA-NATATANGING-LIKA-SA-PAGSULAT-NG-TULA-AT-ALAMAT A4
P. 60

Pagdating niya ng kanilang bahay ay agad siyang nagtungo ng padabog sa                                                    REPLEKSYON
           kanyang mga magulang at sinabing "Ina, Ama! May nais akong kuwintas
           ngunit hindi ito ipinagbibili!" at sagot naman ng kanyang ina'y "Sige, kami na
           ang bahala ng ama mo". Sa pagkarinig niya ng sinabi ng kanyang ina'y                             Ang paggawa ng sariling tula ang isa sa pinakamahirap na gawain para
           naglumiwanag ang kanyang mukha at sila'y agad nagtungo sa sinasabi niyang                        sa akin lalo na't hindi ko gamay o wala akong interes sa paggawa nito.
           bilihan. Totoo nga ang sinabi ni Cristala na hindi ito pinagbibili, lahat na ata ng              Mahirap din isagawa ang gawaing ito sapagka't kinakailangan pang

           puwedeng gawin ng kanyang mga magulang ay nagawa na hanggang sa                                  lagyan ng sukat at tugma ang bawat taludtod. Nahirapan din ako dahil
           naisipan niyang ipuslit na lamang ang kuwintas na ito habang patuloy na                          parami ng parami ang bilang ng mga sukat magmula haiku hanggang sa
           nakikiusap ang kanyang mga magulang sa may-ari ng bilihan at siya'y agad-                        lalabingwaluhin at sa pagtutugma naman ay nauubusan ako ng mga
           agad na umalis ng mag-isa na parang bula.                                                        salitang gagamitin. Kung naturingan lang sana akong maging makata o


                                                                                                            palabasa ng mga aklat ay siguro madadalian ako sa paggawa ng tula. Sa
           Matapos ng pangyayaring iyon ay hindi pa rin umuuwi si Cristala na siyang
           pinangangambahan ng kanyang mga magulang. Ang hindi pala alam ni Cristala                        totoo lang, kapag kulang ang iyong mga karanasan sa buhay ay talagang
           sa kuwintas na iyon ay isa itong isinumpa at kung sino man ang magsusuot                         mahihirapan ka sapagka't wala kang mapanghuhutan ng inspirasyon sa
           nito'y hindi na makakabalik sa kanilang lugar.                                                   paggawa nito kaya't nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaano'y
                                                                                                            nagamit ko ang mga ilan dito. Sa pagpili ko ng paksa, kinailangan ko
           "Ibalik mo na'ko sa aking mga magulang" wika ni Cristala sa matandang                            talagang maging mapanuri at kinailangang pag-isipan ng mabuti dahil
           babaeng nagmamay-ari ng kuwintas ngunit hindi siya pinakikinggan hanggang                        hindi talaga ganoon kadali. Sabi nila, ang isang teknik upang makagawa
           sa nagsalita na sa wakas ang matanda, "Sabi ko na sayo na diba na hindi ko                       ka ng mga tula ay kapag punong puno ka ng emosyon dahil

           ipinagbibili ang kuwintas na iyan, hindi mo ba alam na matagal na kitang                         maipapahatid mo lahat lahat ng gusto mong sabihin kaya't ito ang
           sinusubaybayan at totoo nga ang mga sabi-sabing naririnig ko tungkol sayo na                     ginawa ko. Ito rin kasi ang magiging paraan upang mahuli mo ang kiliti
           isa kang maluho at ang dapat na ginagawa sa isang katulad mo'y                                   at emosyon ng babasa ng tula mo. May mga panahong nahihirapan ako
           pinaparusahan".                                                                                  lalo na sa paggawa ng mga haiku, tanaga at tanka hindi lamang dahil sa

                                                                                                            binigyan kami ng iisang paksa na amin siyang pagtutuunan na kung
           Mula noon, si Cristala ay naging ilaw na nagniningning tuwing sumasapit ang                      saan ito ay ang kalikasan kung hindi dahil na rin sa masyadong konti o
           gabi at napansin ng mga tao sa kanilang lugar at kanyang magulang na tila bang                   limitado ang sukat ng bawat tula. Hindi naging madali sa akin ang

           parang si Cristala ang mga ilaw na iyon at hanggang sa lumaon, si Cristal ay                     paggawa ng sariling tula kahit pa nabigyan kami ng mahabang panahon
           tinawag na Tala.                                                                                 upang isagawa ito. Sa lahat ng ginawa kong tula, pakiramdam ko

                                                                                                            mayrooong mangilan-ngilan lamang na nagandahan ako pero parang
                                                                                                            karamiha'y ang pangit ng pagkakabuo ko pero kung tutuusin, masaya rin



                                                     55                                                                                     56
   55   56   57   58   59   60   61   62   63   64   65