Page 11 - Mundong Ginawa, Bakit Ninyo Sinira?
P. 11
Nagulat na lamang sila ng may biglang higanteng serpyente ang umahon mula sa tubig. Ito ang Bakunawa, itinuturing
na dragon, o isang malaking serpyente ng dagat, ang Bakunawa ay pinaniniwalaang kumakain ng mga buwan. Ang
bakunawa ay inilalarawang mayroong bibig na sin laki ng lawa, isang pulang dila, balbas, hasang at apat na pakpak,
isang pares na malaki at kulay-abo, habang ang isang pares ay maliit.
Ngunit ang Bakunawang ito ay iba sa mga Bakunawang inaakala ng mga tao na masasama. Gusto lamang nito na
tigilan ng mga mangingisda ang paghahagis ng dinamita sa karagatan, ngunit sa sobrang takot ay napatakbo ang mga
mangingisda sa kanya-kanya nilang mga bahay. Hindi alam ng mga tao na ito ang bagong anyo ng Diyosa Idinale.
Habang siya ay nagtatago sa gitna ng karagatan, hiniling niya sa bathala na sana ay kaya niyang pigilan ang mga tao na
gumawa ng kasamaan, na sana ay kaya niyang protektahan ang kanyang sarili sa mga panganib katulad ng
pagpoprotekta niya sa mga tao.
Sa huli hindi pa rin natuto ang mga tao sa kanilang pagkakamali, patuloy pa rin sila sa paggawa ng kasamaan kahit
ilang taon man ang nakalipas. Ang aral ng kwentong ito ay, makuntento kung anong meron tayo–tanggapin at
pangalagaan ang mga bagay na binibigay satin, at huwag maging sakim sa mga bagay na ating natatanggap–dahil sa
huli, tayo rin ang magdudusa sa mga kahihinatnan ng ating mga gawain.
ANG WAKAS
10

