Page 7 - Mundong Ginawa, Bakit Ninyo Sinira?
P. 7
Mayroon syang mahabang itim na buhok na para bang umaalon kapag nahahanginan, kayumanging balat na
kumikinang na pinapalibutan ng mga halaman, at ang kapansin-pansin sa kanyang muka ay ang mapagmahal niyang
tingin at ngiti sa lahat ng nilalang na kanyang nakikita.
Ilang taon ang lumipas at dumarami na ang buhay na nailikha at iba’t ibang uri na nang hayop ang nabigyan ng buhay.
Kasama na rito ang mga tao na may kakayahang magisip at lumikha gamit ang mga bagay sa kanilang kapaligiran.
Ang mga tao ay nanirahan ng payapa kasama ang mga Diyos at Diyosa. Tinutulungan sila ni Apolaki upang magluto,
magbigay init at gabay sa mundong kanilang tatahakin. Tinutulungan sila ni Amanikable sa paglinis ng kanilang
mga katawan, at nagbibigay ng malinis na tubig na kanilang iinumin. Tinutulungan rin sila ni Habagat sa
pamamagitan ng pagbibigay ng hangin upang sila ay makahinga at sa tuwing sila ay naiinitan.
At higit sa lahat ang Diyosa ng Paglikha na si Idinale na nagbibigay sa kanila ng mga puno, panggawa ng kanilang
mga kagamitan at bahay. Mga halaman na nagiging gamot at pagkain mula sa kanyang mga palad, mga dyamante at
kayamanan mula sa mga yapak ng kanyang mga paa at ang kanyang hininga na nagbibigay ng sariwang hangin na may
magandang halimuyak ng mga bulaklak.
6

