Page 3 - Mundong Ginawa, Bakit Ninyo Sinira?
P. 3

N







                         oong unang panahon, ang langit ay puno pa lamang ng mga bituin na nagbibigay ng liwanag sa

        madilim nating kalawakan. Ang kapanahunan ng kawalan, kung saan wala pang mga dagat, apoy at mga hayop


        kung saan ang mundo na ating kinagisnan ay hindi pa nabubuo.



        Dahil sa walang kakulay-kulay at buhay ang mundo naisipan ng Bathala na lumikha ng buhay at kalikasan,

        ngunit mahirap itong gawin at simulan kapag sya ay nagiisa lamang.  Kung kaya't gumawa sya ng mga Diyos at


        Diyosang tutulong sa kanyang paglikha na kawangis ng kanyang anyo.



        Sa una, tatlo lamang ang mga mahiwagang nilalang sa mundo.Ito ay sina Apolaki na Diyos ng Apoy o ng Araw,

        Amanikable na Diyos ng Karagatan at Habagat na Diyos ng Hangin at Ulan.



        “Humayo kayo’t tulungan akong lumikha, gamitin nyo ang inyong mga kapangyarihan upang pagandahin


        at iporma ang mundong aking gagawin.” Ang inutos ng Bathala kina Apolaki, Amanikable at Habagat.







                                                                 2
   1   2   3   4   5   6   7   8