Page 5 - Mundong Ginawa, Bakit Ninyo Sinira?
P. 5
Ngunit ang mga Diyos na ito ay hindi lamang may kapangyarihang lumikha kundi mayroon din silang kakayahang
sumira.
Isang araw ang tatlong mga makapangyarihang nilalang ay nagaway, na tumagal ng maraming taon. Ang pagaaway na
kung sino ang magkakaroon ng mas maraming sakop sa mundong kanilang hinuhulma. Nagpakawala si Apolaki ng mga
bolang apoy na sinangga ni Habagat gamit ang kanyang hangin. Sumunod naman ay si Amanikable, na sinangga ang mga
bolang apoy gamit ang kanyang ginawang malalaking alon.
“Kayo'y tumigil at magdesisyon ng maiigi. Ang mundong ating gagawin ay kahawig ng isang perlas na kumikinang na
puno ng buhay. Ako na ang gagawa ng iba pang mga nilalang ituloy niyo nang ayusin ang porma at hugis.” galit na sabi
ng Bathala.
Lumipas ang ilang milyong taon at natapos na rin ang kanilang pagpoporma at paghuhulma. Ngunit may kulang pa ito,
kaya lumikha ulit ang Bathala ng isa pang Diyosa. Ito ay si Idinale na Diyosa ng paggawa at paglilikha, ang diyosang
ito ay may kapangyarihang lumikha ng tao na kasing ganda niya.
4

