Page 9 - Mundong Ginawa, Bakit Ninyo Sinira?
P. 9
Habang tumatagal nakalimutan na din nila ang kahalagahan ng kanilang kapaligiran, ang dating asul na karagatan ay
namantsyahan na ng mga basurang kanilang itinatapon. Ang dating mga berdeng kagubatan na mayaman sa iba’t ibang
uri ng halaman ay kanilang kinalbo. Ang sariwang hangin ay pinuno nila ng usok galing sa mga ginawa nilang apoy.
At ang mga lupang dating kanilang pinapahalagahan ay pinapasabugan na lamang ng dinamita.
Dahil sa mga pangyayaring ito, ang mga Diyos at Diyosa ay nagbago ang pananaw sa mga taong kanilang
tinutulungan. Si Apolaki ay nagsimulang magsunog ng mga kagubatan at magpasabog gamit ang mga dinamitang
gawa ng mga tao. Si Amanikable naman ay nagsimulang magpakawala ng malalaking alon na siyang lalamon sa mga
taong nagtatangkang dumihan ang kanyang karagatan.
Ngunit sa kabila ng lahat ng pagbabagong ginawa ng tao at mga Diyos ang pinakanasasaktan ay si Idinale sapagkat
sya ay nalason ng mga usok at ang ibang bahagi ng kanyang katawan ay nadudurog mula sa kanilang pakikidigmaan.
Pero kahit anong sakit at paghihirap ang kanyang nadadama hindi niya kayang magalit at maghinagpis sa mga tao at
Diyos kaya isinilid niya ang kanyang sarili sa isang malayong lugar sa gitna ng karagatan kung saan walang
nakakaalam.
8

