Page 42 - Legal Documents
P. 42

Bakit kailangang palitan ang batas tungkol sa disaster?
                    Sa  P.D.  1566,  nakasentro  ang  pag‐aanalisa  sa  mga  panganib  at  ang  pagtugon  pagkatapos
                    mangyari ang disaster. Nakalaan ang mga plano para sa imprastruktura tulad ng mga dike at

                    pagbigay  ng  mga  relief  goods    para  sa  mga  nasalanta.   Dahil  mapanganib  ang  Pilipinas,
                    tinuturing na hindi maiiwasan ang mga disaster. Samakatuwid, naghihintay muna ng disaster
                    bago lubusang makakilos. Nakatuon ang pagkilos sa Disaster Response.

                    Paurong  ang  pag‐unlad  natin  kung  patuloy  ang  ganitong  pananaw.  Sa  panahon  ngayon,
                    nararamdaman  natin  ang  pagdami  at  paglakas  ng  mga  panganib  at  ang  paglaki  ng

                    populasyon na mataas ang bulnerabilidad.   Sa harap ng pagbabago ng klima, inaasahan na
                    lalong lulubha ang kalagayan ng Pilipinas sa harap ng mga disaster.

                    Kinakailangan ng mas maagap na pamamaraan sa pagtugon sa mga disaster. Mas epektibo

                    kung  bibigyan  ng  pansin  at  pagkilos  ang  sanhi  ng  mga  risgo  ng  disaster.   Naisasalamin  sa
                    DRRM Act ang mga aral  ng mga mahuhusay na pamamaraan ng ilang lokal na komunidad at
                    pamahalaan sa disaster risk reduction at disaster response. Dahil dito, itinalaga ang:
                    •  Pagbigay halaga sa boses at pangangailangan ng mga pinaka‐bulnerableng sektor sa
                       lipunan tulad ng mga may sakit at may kapansanan, matatanda at kabataan,
                       kababaihan at mga mahihirap
                    •  Pagkilala sa mahalagang katungkulan at pagpapalakas ng kapasidad ng mga lokal na
                       komunidad
                    •  Pagsiguro ng malawakang partisipasyon ng mga mamamayan
                    •  Pagtugan sa ugat na dahilan ng mga disaster



                                             Pagbabago ng Pananaw

                                                                   Mangunguna ang pamahalaang lokal
                                                                    Malawakang partisipasyon ng iba’t
                       Nakasentrong pamamahala                                ibang sektor



                       Ang disaster ay dulot ng                    Ang disaster ay dulot ng pagsanib ng
                            mga panganib                               panganib at pagkalantad ng
                                                                        bulnerableng komunidad

                       Nakatutok sa paghahanda at
                        pagtugon sa mga disaster                  Integral na kaunlaran para mabawasan
                                                                        ang risgo sa mga disaster


                                                                                                        5
   37   38   39   40   41   42   43   44   45   46   47