Page 44 - Legal Documents
P. 44

Anu‐ano ang mga mahahalagang bahagi ng DRRM Act?

                    •  Pagtugma  sa  mga  pandaigdigang  •  Pagbibigay  kapangyarihan  sa  mga
                       pananaw sa pagtugon sa mga disaster         pamahalaang lokal
                    •  Pagtaguyod  sa  mga  internasyonal  na  •  Pagkilala sa mga civil society organizations
                       prinsipyo,       at  pamantayan       ng    (CSOs) bilang katuwang sa DRRM
                       humanitarian action                      •  Pagsama  ng  DRRM  sa  pormal  na
                    •  Maayos  na  pamamahala  na  may             edukasyon
                       transparency at pananagutan              •  Pagkaroon ng pondo para sa DRR mula sa
                    •  Pagpalakas  ng  istruktura  at  mekanismo   lokal hanggang sa pambansang antas
                       para sa DRR                              •  Probisyon  para  sa  pagdeklara  ng  State of
                    •  Pamamaraan  na  nagkaisa  at  may           Calamity,  gawaing  pang  remedyo
                       koordinasyon,   may partisipasyon mula sa   (Remedial  measures),        at    mga
                       iba’t ibang sektor at ahensiya at nakabatay   ipinagbabawal  na  gawain  at  parusa  para
                       sa komunidad ang DRRM                       rito


                   Sinu‐sino ang mga may mandatong
                   tungkulin sa DRRM?

                   Pambansang Pamahalaan
                   Iba’t  ibang  ahensiya  ng  pambansang  pamahalaan  ang
                   may  tungkulin  sa  DRRM.  Dahil  sa  DRRM  Act,  dumami
                   ang  mga  ahensiyang  kalahok  sa  National  DRRM  Council
                   (NDRRMC)  (Sec. 5).

                   Pamahalaang Lokal
                   Ikinikilala na ang pamahalaang lokal ang unang tumutugon
                   sa bawat disaster. Nangunguna sila, sa pamamagitan ng Local
                   DRRM  Council  (LDRRMC),  sa  paghahanda  sa  mga  panganib,
                   pagtugon sa mga nasalanta at pagbabangon mula sa epekto ng
                   mga disaster (Sec. 15).

                   Civil society, ang pribadong sektor at mga volunteer
                   Epektibong maisasapatupad ang batas sa pamamagitan ng pakikilahok ng civil society organizations,
                   pribadong sektor at mga indibiduwal na boluntaryo (Sec. 2.d; Sec. 5.hh & ii; Sec. 11.a.17 & 18; Sec. 12.d;
                   Sec.  13).   Pinapalakas  at  dinaragdagan  ng  mga  ito  ang  kakayahan  at  puwersa  ng  pamahalaan.

                   Halimbawa ng mga civil society organizations ay ang mga kooperatiba, samahan at asosasyon sa mga
                   komunidad, mga non‐government organizations, at mga grupo sa simbahan at sa paaralan (Sec. 3.c).

                   Komunidad
                   Ikinikilalala ang kakayahan ng mga bulnerableng pamayanan bilang tagapagpadaloy ng pagbabago at
                   kaunlaran at hindi lang biktima ng mga disaster. Ang pagpapalakas ng kanilang kapasidad ang pinaka
                   epektibong pamamaraan sa pagbawas ng epekto ng mga disaster  (Sec. 2.d).

                                                                                                        7
   39   40   41   42   43   44   45   46   47   48   49