Page 45 - Legal Documents
P. 45
I struktura
Paano nagbago ang istruktura sa DRRM?
Inilinaw ng DRRM Act ang paghihiwalay ng pangangasiwa at pagsasapatupad ng DRRM para
mapalakas ang kakayahan ng mga pamahalaang lokal. Pinalawak din nito ang kasapian ng
mga DRRMC sa iba’t ibang antas. Naging bahagi rin sa mga konseho ang mga kinatawan ng
mga CSO at ng pribadong sektor.
National DRRM Council (NDRRMC)
Binubuo ang NDRRMC ng mga Kalihim o pinakamataas na pinuno ng iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor. Dinagdagan sa DRRM Act ng iba’t ibang
ahensiya at sektor ang dating NDCC. Pinapatnubayan ng NDRRMC ang pambansang sistema
sa DRRM (Sec. 5; Sec. 6).
Pagbabago ng mga Istruktura
PD 1566 DRRM Act
Pangangasiwa Pagsasapatupad
National
National DCC OCD (Secretariat) OCD
DRRMC
Regional DCC Regional OCD Regional
DRRMC Office
Provincial Provincial
Provincial DCC
DRRMC DRRMO
City/Municipal DCC City/Municipal City/Municipal
DRRMC DRRMO
Barangay Barangay DRRM
Barangay DCC Development Committee
Council
8 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act