Page 50 - Legal Documents
P. 50
Paano masisiguro na maipagpapatuloy ng pamahalaan ang mga
inisyatiba sa DRRM?
1. Pakikilahok ‐ Paglahok ng CSO at pribadong sektor sa mga DRRM Councils para mabantayan
at makibahagi sa koordinasyon, pagpaplano, pagsasapatupad at pagtatasa ng DRRM ng
pamahalaan
2. Kapasidad ‐
• Pagtakda ng pambansang programa sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga institusyon ng
NDRRMC sa DRRM para sa iba’t ibang pamahalaang lokal at ahensiya. Pagbabatayan nito
ang resulta ng mga pagtatasa at pag‐aaral na isasagawa kada dalawang taon (Sec. 6.l)
• Pana‐panahon na programa para sa edukasyon at pagpapalawak ng kaalaman para
maipaalam sa mga bagong halal na opisyales at kasapi ng mga LDRRMC. Isasagawa ito sa
pamamagitan ng DRRM Training Institutes (Sec. 9.i.3)
• Paglikha ng technical management group na magsisiguro na patuloy ang mga
pambansang inisyatiba sa DRRM (Sec. 6.0)
3. Pondo ‐
• Pagbigay ng mga programa at ulat tungkol sa pondo (Local DRRM Fund o LDRRMF) ng
LDRRMO sa pamamagitan ng LDRRMC at ng LDC. Ibibigay ito sa sanggunian (Sec. 12.c.7)
at sa lokal na Commission on Audit (COA) (Sec. 12.c.24)
• Pagbantay ng paglabas, paggastos, pagtuos, at pag‐audit ng LDRRMF sang‐ayon sa mga
patnubayan at pamamaraan na isinaad ng NDRRMC (Sec. 6.i);
4. Standards ‐
• Pagtakda ng mga pambansang pamantayan (standards) ng OCD sa pagsasapatupad ng
DRR. Kasama rito ang paghahanda, pagbawas o pagpipgil ng masamang epekto ng mga
panganib, pagtugon sa disaster, gawain sa pagpapanumbalik, pagkalap at pag‐analisa ng
mga datos, pagpaplano, pagsasapatupad, pagtatasa at ebaluwasyon (Sec. 9.d)
• Pagtakda ng pamantayan sa pagsasagawa (standard operating procedures) sa lahat ng
antas ng DRRM, kasama ang koordinasyon bago at pagkatapos ng disaster (Sec. 9.g)
5. Kaparusahan ‐ Pagparusa sa mga pampublikong opisyales na napatunayang may sala sa mga
gawaing ipinagbabawal ng batas na ito (Sec. 19). Bukod tangi rito ang kapabayaan ng
tungkulin at maling paggamit ng pondo na humantong sa malawakang kamatayan, pagkasira
o pagkawala ng mga ari‐arian (Sec. 19.1).
6. Pagsubaynay at Ebaluwasyon
• Pagsuri sa NDRRMF bawat limang taon o kung kinakailangan para masiguro na patuloy
itong makabuluhan at angkop sa panahon (Sec. 6.a.)
• Pagsubaybay at ebaluwasyon ng NDRRMC sa pagsasapatupad ng iba’t ibang ahensiya
ng mga patakaran, patnubayan at pamantayang nakasaad sa batas (Sec. 6.g). Sa lokal na
antas, ang LDRRMC ang magsasang‐ayon, magtatasa, at magsasagawa ng ebaluwasyon
sa pagsasapatupad ng LDRRMPs (Sec. 11.b.1)
• Pana‐panahong pagtatatasa ng paggampan ng tungkulin ng OCD sa mga ahensiyang
kasapi ng NDRRMC at ng mga RDRRMC ayon sa NDRRMP (Sec. 6.p)
• Pagbalik‐aral sa batas ng Kongreso bawat limang taon o kung kinakailangan, para
masiguro na angkop at makabuluhan ang batas (Sec. 27).
13