Page 51 - Legal Documents
P. 51
Risk Assessment
Pagtatasa ng mga Risgo
Bakit mahalaga ang Risk Assessment?
Ang unang hakbang patungo sa DRRM ay ang pagkilala sa mga nakaambang panganib sa
bawat komunidad. Kasama sa risk assessment ang pagtukoy sa panganib at sa mga
bulnerableng sektor na maaaring masalanta. Kinikilala rin ang kapasidad ng komunidad sa
pagtugon sa mga risgo. Sa pag‐aanalisa ng mga ito, mapapatnubayan ang mga komunidad sa
pagtukoy at pagbigay ng prayoridad sa mga stratehiya para mabawasan ang mga risgo.
Paano napapalakas ng batas ang Risk Assessment?
Kasama sa tungkulin ng OCD (sa
pambansang antas) at ng mga LDRRMO
(sa lokal na antas) ang pagtatasa ng mga
risgo (Sec. 9.c; Sec. 12.c.9). Ipapasok ang
resulta ng mga pag‐aaral na mga ito sa
DRRM Information System. Itatakda ito sa
mga pambansa at lokal na mga mapa ng
mga risgo. Magsisilbing batayan ang mga
pag‐aaral na ito sa pagtakda ng NDRRMP
at ng mga LDRRMP. Ito rin ang magiging
batayan sa pagdisenyo ng pambansa at
lokal na mga early warning system o
sistema ng maagang babala.
Sinisigurado ng batas ang partisipasyon ng
iba’t ibang sektor sa risk assessment.
Makakatulong ito sa pagbabahagi ng
komunidad ng mga naranasan na panganib
at mga nakagawiang pamamaraan sa
paghanda, pagtugon at pagbangon mula
sa mga disaster. Mapapalawak nito ang
kaalaman sa mga nakaambang panganib.
Sa ganitong paraan, mas madaling
Sama‐samang risk assessment para sa mas mauunawaan at masasang‐ayunan ng
malawak na bahaginan at pag‐uunawa ng komunidad ang mga matatakdang
kaalaman sa mga risgo. stratehiya sa DRRM.
14 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act