Page 52 - Legal Documents
P. 52
Knowledge Management
Pagpapalakas at Pagpapalawak ng Kaalaman
Bakit mahalaga ang Knowledge Management sa DRRM?
Nasasabing mahirap isulong ang DRRM dahil sa pananaw na kapalaran lamang ang mga
disaster. Sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapalawak ng kaalaman sa DRRM,
maaaring mahubog ang kultura ng kaligtasan at paghahanda sa buong komunidad.
Paano pinapalakas ng DRRM Act ang Knowledge Management?
Pangunahing stratehiya sa pagpapalakas ng kaalaaman ang pakikilahok ng iba’t ibang sektor
sa LDRRMC at sa risk assessment.
Mapapadali ang pagkuha at paggamit ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng DRRM
Information System (Sec. 6.d). Hinihikayat ang pagbabahaginan ng mga impormasyon ng iba’t
ibang ahensiya ng pamahalaan (Sec. 9.g).
Tungkulin ng LDRRMO ang maipon at maipalaganap ang impormasyon ukol sa mga
panganib, bulnerabilidad, risgo at maaaring epekto nito, mga maagang babala, at mga
mekanismo sa pagtugon. Kasama rito ang paghawak ng impormasyon ukol sa mga taong
maaaring tumugon, kagamitan at mga kritikal na pasilidad, tulad ng ospital at mga evacuation
center (Sec.12.c.3, 10, 12, 17).
Maglilikha ng DRRM
Training Institute sa iba’t
ibang lugar para mapalakas
ang kapasidad ng mga
pamahalaang lokal at ng
mga komunidad. Sinisiguro
ng DRRM Training Institute
ang pag‐aaral, pagsusulat
ng mga kahanga‐hangang
gawain, at pagbibigay ng
mga pagsasanay sa DRRM
(Sec. 9.i).
Mahalagang ipaalam sa buong komunidad ang mga panganib at
ang mga planong pagkilos sa panahon ng disaster.
15