Page 57 - Legal Documents
P. 57
Disaster Response
Pagtugon sa mga Disaster
Ano ang gagawin kung tumama ang disaster?
Kung may disaster, magdedeklara ng State of Calamity para mapadali ang pagtugon at
koordinasyon ng mga pamahalaang lokal. Ang pagdedeklara nito ay ayon sa ilalabas na
patnubayan ng NDRRMC. Sa pagdeklara ng State of Calamity, maaaring magamit ang Quick
Response Fund at maisapatupad ang mga Remedial Measures na nakasaad sa batas.
Sino ang maaaring magdeklara ng State of Calamity?
Ayon sa rekomendasyon ng NDRRMC, maaaring magdeklara ang Pangulo ng Pilipinas ng
State of Calamity. Maaari rin magdeklara at magtanggal ng state of calamity ang mga
sanggunian sa kanilang mga lugar sa mungkahi ng LDRRMC. Pagbabatayan ng LDRRMC ang
resulta ng pagtatasa ng pagkasira at ng mga pangangailangan ng mga nasalanta sa kanilang
pagmumungkahi (Sec. 16).
Ano ang mga Remedial Measures?
Ang mga remedial measures ang mga hakbang
na maaaring gamitin kaagad para mapadali
ang muling pagbangon ng mga nasalanta.
Remedyo lamang ang mga ito at hindi dapat
maging pangmatagalang kalakaran (Sec. 17).
Nakasaad sa batas ang mga sumusunod na
remedyo:
• Pagpigil ng pagtaas ng presyo ng bilihin
ng mga batayang kagamitan at
pangangailangan tulad ng pagkain
• Pagpigil sa pagsasamantala ng mga
negosyante sa pagpataw ng mataas na
presyo at sobrang pagiimbak ng mga
batayang produkto, petrolyo, at gamot
• Paglalaan ng pondo para mapaayos o
mapalakas ang mga imprastruktura
• Pagpapautang ng walang interes ng mga
pampublikong institusyon sa mga Makakatulong ang pagsasagawa ng mga
pinakanasantalang populasyon. Emergency Drill sa iba’t ibang klase ng panganib
para ipaalam sa buong komunidad ang mga
kailangan gawin sa panahon ng disaster
20 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act