Page 60 - Legal Documents
P. 60
Ano ang mga maaaring kaparusahan sa mga ipinagbabawal na
probisyon?
1. Multa mula P50,000 hanggang P500,000
2. Pagkakulong mula anim na buwan hanggang isang taon
3. Multa at pagkakulong
4. Kumpiskasyon o pagbawi ng mga kagamitan.
Para sa mga pampublikong opisyales, maaari siyang panghabang buhay na ma‐disqualify sa
paghawak ng pampublikong posisyon. Dagdag ito sa maaaring multa, pagkulong at
kumpiskasyon.
Para sa korporasyon at ibang grupo, ang multa ay ipapataw sa mga opisyales. Maaaring
ipagwalang‐bisa at bawiin ang kanilang lisensya o accreditation.
Para sa mga
banyaga, maaari
siyang i‐deport
pagkatapos ng
kanyang sintensya.
Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang tumugon sa disaster. Pumapasok
ang mga Humanitarian Agencies kung di kaya o ayaw tumugon ng pamahalaan
sa mga pangangailangan ng mga nasalanta.
23