Page 55 - Legal Documents
P. 55
Ano ang kaibahan ng DRRM Fund sa dating Calamity Fund?
• Hindi na kailangan maghintay na magdeklara ng State of Calamity bago magamit ang
pondo.
• Maaaring humigit pa sa 5% ng badyet ang pondo para sa DRRM (Sec. 21 par. 1).
• Maaari nang gamitin ang pondo para sa DRRM. Maaaring magamit ang pondo para
mapatupad ang DRRM Plan. Kinakailangan lang mag‐iwan ng 30% para sa Quick Response
Fund (QRF) na inilaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta kung
magkaroon ng disaster . (Sec. 21 par 1; Sec. 22.a at c)
• Kung hindi maubos ang pondo, ilalagay ito sa isang special trust fund na maaari lamang
gamitin para sa DRRM. Ibabalik lang ito sa general fund kung hindi ito naubos sa loob ng
limang taon. Maari lamang gamitin ang general fund sa mga serbisyong panlipunan na
itatakda ng sanggunian (Sec. 21 par. 3).
• Pinapayagan ng batas na makiramay ang pamahalaang lokal sa ibang lugar na nasalanta
ng disaster sa pamamagitan ng pagbigay ng bahagi ng kanilang pondo. Kinakailangan nito
ng pagsasang‐ayon ng sanggunian. Sa ganitong paraan, mapapalakas ang espirito ng
bayanihan at pakiki‐isa ng iba’t ibang pamahalaang lokal (Sec. 21 par.1).
Paano sisiguraduhin na hindi mapagsasamantalahan ang DRRM Fund?
Kinakailangang magsumite ang LDRRMO ng panukalang programa at ng ulat ng pag‐gastos.
Ipapadala ito sa sanggunian at sa Commission on Audit (COA) sa pamamagitan ng nga
LDRRMC at Local Development Council (Sec. 12.c.7 & 24). Babantayan ng LDRRMC ang
paggamit ng pondo na dapat ay naaayon sa LDRRMP (Sec. 21 par. 1).
Maaring gamitin ang pondo para sa sandbagging at pagpapatibay
ng pampang ng mga ilog.
18 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act