Page 53 - Legal Documents
P. 53
Bukod dito, kinilala rin ng batas ang mahalagang
papel na magagampanan ng kabataan. Pinasok ang
DRR sa sistema ng edukasyon at sa programa ng
Sangguniang Kabataan (SK) (Sec. 14).
Sa pakikipagugnayan sa OCD, isasama sa school
curricula ang DRR sa pamamagitan ng DepEd,
CHED, TESDA, National Youth Commission (NYC),
DOST, DENR, DILG‐BFP, DOH, DSWD at iba pang
ahensiya. Isasama ito sa mga aralin sa mataas na
paaralan at sa kolehiyo. Kasama rin ito sa National
Service Training Program (NSTP). Isasagawa ito sa
mga pampubliko at pribadong paaralan,kasali ang
pormal at di‐pormal na edukasyon, vocational
schools, programa sa mga katutubo at out‐of‐school
youth.
Pagtatanim ng mga puno sa gilid ng ilog
para maiwasan ang pagguho ng lupa
Pag‐eksperimento ng mga tanim na angkop sa baha o sa tagtuyot
16 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act