Page 56 - Legal Documents
P. 56
Disaster Preparedness
Paghahanda
Paano pinapalakas ng DRRM Act ang paghahanda sa mga disaster?
Magsasagawa ang LDRRMO ng mga programa para
mapalawak ang kaalaman ng publiko kung paano
maghanda para sa mga naka‐ambang panganib (Sec.
12.c.10 & 17).
Daraan sa pagsasanay sa paghahanda at pagtugon sa mga
disaster ang lahat ng empleyado ng pamahalaan (Sec. 14
par. 3).
Maaaring bumili ng mga kagamitan na magagamit sa
panahon ng disaster gamit ang LDRRM Fund. Maaari rin
bumili ng pagkain na mai‐imbak at iba pang
mahahalagang kagamitan sa panahon na madalas
magkaroon ng disaster. (Sec. 21 par. 1)
Nakakapaghanda ang mga
pamahalaang lokal kung may
nakaabang na mga kagamitan
pang‐ligtas ng buhay.
Agad mapanunumbalik ang kabuhayan ng mga magsasaka kung
mag‐iipon ng mga binhi sa seedbank sa komunidad.
19