Page 54 - Legal Documents
P. 54
Vulnerability Reduction
Pagbawas ng Bulnerabilidad
Paano tinutugunan ng DRRM Act ang pagbawas ng mga risgo ?
Pangunahin ang pagpapalawak ng pananaw na kailangan tugunan ang kahinaan at palakasin
ang kapasidad para mabasawan ang risgo ng komunidad. Dahil dito, hindi na kailangang
maghintay ng disaster bago magplano at kumilos. Dagdag pa rito ang pagtanggal ng
probisyon na maaari lamang magamit Calamity Fund kung may nakadeklarang Satet of
Calamity. Kung kaya’t sa DRRM Act, ang dating Calamity Fund ay ginawang Disaster Risk
Reduction and Management Fund.
Samakatuwid, maaaring gamitin ang pondo para sa sama‐
samang pagtatasa ng mga risgo, pagdalo o pagsasagawa
ng mga pagsasanay sa DRRM at pagtugon sa mga disaster,
pagbili ng mga kagamitan para sa pagtugon sa mga
disaster, paglikha ng early warning system, paggawa ng
mga emergency drill, pagpapalawak ng impormasyon,
pagbili ng mga kagamitan para sa komunikasyon,
pagtatayo ng ligtas na evacuation center, atbp.
Pagpinta ng mga flood level marker
sa gilid ng ilog para sa early warning
system
Paglagay sa mga kritikal na lugar sa komunidad ng mga pansalo
ng tubig‐ulan, lalo na sa lugar na aasahan ang tagtuyot.
17