Page 58 - Legal Documents
P. 58
Paano ang koordinasyon ng mga DRRMCs kung may disaster?
Mangunguna ang LDRRMC sa paghahanda, pagtutugon at pagbabangon mula sa disaster
ayon sa sumusunod na bataya (Sec. 15)n:
• BDC‐ kung isang barangay lang ang naapektuhan ;
• City/Municipal DRRMC‐ kung 2 o higit na barangay ang naapektuhan ;
• Provincial DRRMC‐ kung 2 o higit na bayan/lungsod ang naapektuhan ;
• Regional DRRMC‐ kung 2 o higit na probinsya ang naapektuhan ; at
• National DRRMC‐ kung 2 o higit na rehiyon ang naapektuhan .
Ang LDRRMO ang tutugon sa mga disaster, mangangasiwa sa epekto nito at ipapatupad ang
mga gawain para maipanumbalik ang mga apektadong komunidad (Sec . 12.c.8).
Kinakailangan makipagkoordinasyon ang
LDRRMCs sa pribadong sektor at mga
CSO. Magsasagawa ang LDRRMO ng
patuloy na pagbabantay at pagpapakilos
ng mga volunteer sa paggamit ng mga
pasilidad at ibang rekurso (Sec. 12.c.8).
Organisado ang pagbibigay ng relief goods para
siguraduhing naitataguyod ang dangal ng mga
nasalanta
21