Page 48 - Legal Documents
P. 48
Disaster Risk Reduction
Pagbawas ng mga Risgo
Paano mapapatnubayan ang DRR?
National DRRM Framework (NDRRMF)
Magsisilbing pangunahing patnubay ang National DRRM Framework (NDRRMF) sa
buong bansa. Isusulat ng NDRRMC ang NDRRMF. Ito ang magiging batayan ng
pagbuo ng National DRRM Plan (NDRRMP). Sisiguraduhin nito na ang stratehiya sa
DRRM ay komprehensibo, isinasaalangalang ng lahat ng panganib, nilalahukan ng
iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at sektor ng lipunan, at itinataguyod ang
pangunahing papel ng mga komunidad. (Sec. 3.y; Sec. 6.a)
National DRRM Plan (NDRRMP)
Huhubugin at isasapatupad ng Office of Civil Defense (OCD) ang NDRRMP (Sec. 3.z;
Sec. 9.b). Ilalatag ng NDRRMP ang mga hangarin, layunin at mga pagkilos para sa
DRR. Kasama rito ang mga sumusunod:
a) Pagkilala sa mga panganib, bulnerabilidad at risgo na kailangang tugunan sa
pambansang antas
b) Pagtukoy sa mga stratehiya at pamamaraan sa DRRM
c) Pagsasaad ng papel, katungkulan at istruktura ng pangangasiwa sa lahat ng antas
ng pamahalaan
d) Paglilinaw ng koordinasyon ng DRRM bago at pagkatapos ng disaster
Local DRRM Plans (LDRRMP)
Sa lokal na antas, ang LDRRMO/ BDRRMC ang maglilikha at magsasapatupad ng
LDRRMP. Pinagbabatayan ng LDRRMP ang NDRRMF(Sec. 12.c.6).
National DRRM Framework
National DRRM Plan
Local DRRM Local DRRM Local DRRM
Plan Plan Plan
11