Page 11 - Neg Kaysarap Preview
P. 11
Magkano po ang dapat kong ipatong sa
tinda kong produkto upang masiguro na
kikita ako at hindi mamahalan ang mga
bibili?
Q&A
Alamin ang presyo ng produkto sa ibang gumagawa nito at
maaaring gawing basehan ito sa pagpepresyo. Karaniwang
kalahati (50%) o higit pa ang tubo sa panindang pagkain.
Kung mahal ang puhunan mo, humanap ng paraan para
makamura. Bumili direkta sa manufacturer o wholesaler
upang makadiscount nang malaki. Huwag tipirin ang kalidad
ng produkto upang balik-balikan ka ng suki mo.
Paano masisiguro na hindi
malulugi ang negosyo?
Madami at magkakaiba ang dahilan kung bakit hindi
nagtatagumpay ang isang negosyo. Ngunit maaari itong
maiwasan kung nakokontrol natin ang cashflow. Mahalagang
maintindihan ng lahat ng negosyante ang cashflow o ang
pagpasok at paglabas ng pera. Upang hindi malugi, huwag
pababayaang maubos ang cash-on-hand o perang hawak natin
upang mapaandar ang negosyo. Magagawa ito kung hindi tayo
magpapautang at gagastos nang labis sa ating kinita.
3