Page 13 - Neg Kaysarap Preview
P. 13
Bakit po hindi masyadong makinis
ang tinapay na nagawa ko? Ano po
ang dapat gawin?
Q&A
Kulang sa masa ang dough.
Masahin nang mabuti ang dough
upang mapalabas natin ang mga air
bubbles na sanhi ng pagkukulubot
pag naluto na ang tinapay.
May paraan po ba para mas tumagal
ang tinapay?
Siguruhin po nating laging malinis ang ating mga kamay, gamit at lugar
na paggagawaan ng tinapay o anu mang produktong pagkain. Ang
bacteria sa ating mga kamay ay makakapagdulot ng pagkapanis o sakit
sa mga taong kakain nito. Ang mainit na kapaligiran ay maaaring
magdulot ng madaling pagkasira ng tinapay. Kaya’t ilagay ang tinapay
sa di-mainit at di-basang lugar. Gumamit din ng malinis na tubig sa
paggawa ng tinapay upang masigurong tatagal ito. Kung ibabalot ang
tinapay, siguraduhing malinis ang balutan, food-grade at selyado ito.
5